KAIBAHAN: NOON AT NGAYON!



Ang buhay natin ngayon ay ibang iba na kasya noon. Noon kung ano ang gusto mo at nais mong gamitin ay paghirapan mo ngunit sa ngayon ay maaari mo ng bilhin at madami ka pang mapagpipilian sapagkat madami ng mapagbilhan ng mga gamit na nais mo.
          Kung medya at teknolohiya ang pag-uusapan hindi naman nagkakalayo ang mga ito, mayroon lamang nabago at nadagdag. Kung ang telebisyon noon ang pag-uusapan ay mayroon lamang kulay puti at itim ang makikita. Kuntento na rin tayo sa panonood dito ng balitang mula sa ibang bayan sa kapuluan ng pilipinas. Sa radyo naman ay di-baterya ang gamit upang makinig ng mga musika, mga drama at balita tungkol sa karatigbayan. Kung noon ay sulat lamang ang ginagamit para magpadala ng mensahe sa kamag-anak na nasa malayo at lilipas pa ang isang buwan o isang taon para matanggap ang mensahe.



Sa kasaluyan kung telebisyon ang pag-uusapan sa ngayon ito ay makulay na at talagang nakakapag-ingganyo ng mga kabataan at nakakatanda sa panonood ng mga drama at balita sa ating bansa at ibang bansa. Maari na rin itong maikokonekta sa DVD’s at sa flashdrive upang makapanood ng pelikula. Sa radyo naman ay chargeable na ito at naikokonekta narin dito ang flashdrive ng sa ganon ay makinig ng paboritong awitin. Maari pa rin tayong makakalap ng impormasyon tungkol sa ating lipunan o bansa. Hindi lamang ito, mayroon na rin tayong compyuter na maaring mapagkukunan ng mga impormasyon mula sa ibang pulo sa ating bansa at sa ibang bansa. Sa pagpapadala ng mensahe sa kamag-anak sa malayo sa ngayong panahon ay madali na lamang. Matatawagan na rin kahit anong layo ng bansa naroroon man sila sapagkat may magagamit na tayo kagamitan tulad ng selpon at  sa pamamagitan ng facebook at messenger ay makakausap at nakikita na  natin sila.















Sa pakikitungo naman ng mga tao sa kapwa ay sadyang may pagbabago. Kung noon ang pag-uusapan, ang mga tao  ay may paggalang at respeto sa bawat isa. Hindi rin mawawala ang mga salitang Po, Opo, Ho at Oho sa pakikipagtalastasan ng mga tao sa kapwa noon. Sa tuwing may kausap, tinatawag ng nakakatatanda at lalo na kapag inuutusan, ang mga salitang ito ay sadyang ginagamit o kaugaliang gamitin. Kapag aalis at pagdating sa bahay ay kaugalian na ng mga kabataan na magmano, naghahalik sa kamay at magpaalam sa mga nakakatatanda. Lahat ng tao sa pulo o bayan ay nagkakaisa at nagtutulungan. Kapag may hindi napagkasunduan o napag-unawaan ay dinadaan sa masisinang usapan hanggang ito ay napagkaisaha at nagkakasunduan ng maayos. 








Sa panahon ngayon bihira na lamang ang mga tao na gamitin ang Po, Opo, Ho at Oho sa pagsasalita o sa pakipagtalastasan sa kapwa. Kapag inuutusan o tinatawag ng nakakatanda hindi na gaano itong ginagamit sapagkat hindi na ito umuusbong sa ating kabataan sa ngayon. Minsan nawalan na rin ng respeto at paggalang ang mga kabataan sa ngayong panahon. Kung minsan nga nakakalimutan na ang simpleng pagmano at paghalik sa kamay ng mga kabataan sa kanilang mga magulang o nakakatanda sa kanila. Sa panahon ngayon kapag may hindi napagkasunduan, kahit na ipinagkasundo muna ay sadyang nandyan pa rin ang pagkamuhi at galit sa kapwa. Kung minsan ay mata sa mata at ngipin sa ngipin kung sila ay magkaalitan. Ganito ang pakikitungon nga mga tao sa kapwa sa ngayon atalagang naiiba sa noon.





Ang paniniwala noong unang panahong ay sadyang napakahigpit, kapag bawal hindi talaga ginagawa at talagang sinusunod ito ng lahat. Nakakatanda man o bata ay talagang pinaninindigan ang ipinababawal. Ngunit sa ngayon ay kahit napakabawal ay sadyang ginagawa. Ipinapakita ang pagiging suwail sa paniniwala ng mga nakakatatanda.
         Nakikita naman natin na sadyang may pagbabago at kaibahan ang mga pangyayari at paniniwala noon at sa kasalukuyang panahon. Dapat na lamang nating tanggapin kung ano ang nais nating paniniwalaan o pinaniniwalaan ng bawat pamilya. Sapagkat may kanya-kanya tayong mga paniniwala sa buhay. Dapat na rin nating  iadap ang nagbabago sa ating kapaligiran.


Comments