KAIBAHAN: NOON AT NGAYON! Ang buhay natin ngayon ay ibang iba na kasya noon. Noon kung ano ang gusto mo at nais mong gamitin ay paghirapan mo ngunit sa ngayon ay maaari mo ng bilhin at madami ka pang mapagpipilian sapagkat madami ng mapagbilhan ng mga gamit na nais mo. Kung medya at teknolohiya ang pag-uusapan hindi naman nagkakalayo ang mga ito, mayroon lamang nabago at nadagdag. Kung ang telebisyon noon ang pag-uusapan ay mayroon lamang kulay puti at itim ang makikita. Kuntento na rin tayo sa panonood dito ng balitang mula sa ibang bayan sa kapuluan ng pilipinas. Sa radyo naman ay di-baterya ang gamit upang makinig ng mga musika, mga drama at balita tungkol sa karatigbayan. Kung noon ay sulat lamang ang ginagamit para magpadala ng mensahe sa kamag-anak na nasa malayo at lilipas pa ang isang buwan o isang taon para matanggap ang mensahe. Sa kasaluyan kung telebisyon ang pag-uusapan sa ngayon ito ay makulay na at talagang nakakapag-ingganyo ng mga kabat